8 raliyesta patay sa Myanmar matapos paputukan ng security forces

Patay ang walong tao matapos magpaputok ang security forces sa mga nagpoprotesta sa gitna ng military rule sa Myanmar.

Ayon sa report, dalawa ang patay sa protesta sa Mizzima, isa sa Mandalay, tatlo sa bayan ng Wetlet, isa sa Shan State at isa sa bayan ng Hpakant.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Tumanggi naman ang ruling junta na kumpirmahin ang mga report.

Matatandaan na patuloy ang mga protesta sa Myanmar simula nang i-take over ng militar ang gobyerno sa pamamagitan ng kudeta noong February 1.

Read More:  Pope Leo XIV to proceed with South America visit following lung surgery

Base sa report ng United Nations, libo-libo din ang na-displaced simula nang mapatalsik ang civilian leader na si Aung Sang Su Kyi. (LEO NAVARRO – MALICDEM)