8 months old na sanggol, pinakabatang may TB sa Naga City

NAGA CITY –Umabot na sa 502 ang kaso ng tuberculosis sa Naga City na naitatala ng TB Control Section sa City Health Office, ilan sa mga may sakit ay mga bata kabilang na ang walong buwang sanggol.

Nakakabahala ito dahil nakakamatay ang sakit ng TB kung hindi agad maaagapan.

Batay ito sa naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Delmari Bernardetta Novelo, TB patients coordinator ng lungsod na ayon sa kanya ay patuloy pang dadami kung hindi regular na magpa check-up.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ilan sa mga sintomas ay iyong hindi mawala-wala ang ubo sa loob ng dalawang linggo at pagkakaroon ng lagnat.

Sa naturang bilang, sinabi ni Novelo na 17 sa mga ito ang kinokonsidera nilang malala na o iyong nasa kategoriya na ng multi-drug resistance, na marami ng gamot ang iniinom araw-araw.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nakakalungkot aniya dahil sa libre na nga ang mga gamot pero marami pa rin ang nagtatago, dahil sa natatakot at nahihiya.

Hinggil naman sa mungkahing gawing apat na buwan na lamang ang gamutan, sinabi ni Novelo na wala pa silang natatanggap na anumang komunikasyon kung ipapatupad ito o hindi.