8 hrs duty sa mga Pulis, ipatutupad upang mabigyan ng sapat na oras ang kanilang pamilya

Ipatutupad ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil ang 8 hrs duty para sa mga Pulis na nasa lansangan.

Ito’y kasunod na rin ng naunang kautusan ni Marbil na dagdagan ang mga tauhan nila sa lansangan upang paigtingin pa ang kanilang presensya sa ilalim na rin ng kanilang kampaniya kontra krimen at iligal na droga

Layon nito ayon sa PNP Chief na mabigyan ng sapat na oras ang mga Pulis na para sa kanilang pamilya sa kabila ng pagtupad nila sa tungkulin

Una na ring inanunsyo ng PNP Chief ang pagbibigay ng Health Insurance para sa mga Pulis upang mapangalagaan din nila ang kanilang kalusugan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *