79-anyos na babae mula sa lungsod ng Sorsogon, patay dahil sa Covid-19

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon na nadagdagan na naman ang bilang ng mga nasasawi dahil sa Covid-19 sa lalawigan.

Sa datos na ipinalabas ng ahensya kahapon, nairehistro ang pinakahuling fatality na isang 79-anyos na babae mula sa Barangay Basud, Sorsogon City na siyang ika-478 fatalities ng lalawigan dahil sa nasabing sakit.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, nabawasan naman ang bilang ng aktibong kaso na umabot na lamang sa 47 mula sa 52 noong nakatalikod na araw matapos  makapagtala ng 11 gumaling, mas mataas kumpara sa 7 bagong kaso na naitala kahapon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa kabuuan nakakapagtala na ang lalawigan ng 8,753 na tinamaan ng nasabing sakit habang 27 naman ang nagnegatibo sa swab testing.