BNFM Bicol- INILUNSAD ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol ang 71 solar irrigation projects na aabot sa P1.5 billion ang halaga para sa 4,560 magsasaka na makikinabang sa mga proyektong ito na kasalukuyang ipinapatupad sa rehiyon.
Ayon kay NIA-Bicol General Manager Guadencio de Vera, prayoridad ng ahensya ang pagpapagawa ng mga irrigation projects sa mga bahagi ng rehiyon na madalas ulanin o mga lugar na wala pang nakatayong irrigation system sa kasalukuyan.
Dagdag pa nito, ang nabanggit na kabuuang halaga ng solar irrigation projects ay nakalaan sa 1,810 ektarya ng kalupaan sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur, at Camarines Norte.
Samantala, target umano ng ahensya na matapos ang pagpapagawa sa 71 sites ng proyekto na aabot sa 60% completion sa katapusan ng taong 2024. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from Rep. Zaldy Co