70-anyos na driver, patay matapos barilin sa Lipa City, Batangas

Dead on arrival ang isang 70 anyos na tricycle driver matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nasa inuman sa kanilang terminal sa Villa De Lipa II Subdivision, Brgy Sabang, Lipa City, Batangas, dakong alas-8 ng gabi noong Sabado, Nobyembre 26, 2022.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Balmes Mercado, residente ng naturang lugar.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa imbestigasyon ng Lipa City Police Station, nag-iinuman ang biktima kasama ang iba pang drives sa terminal ng tricycle sa naturang lugar ng bigla na lamang na dumating ang gunman na nakasuot ng gray na jacket, naka sombrero at naka-maong.

Binaril nito sa ulo ang biktima at agad na tumakas.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima at dinala pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Lt.Col. Ariel Azurin, hepe ng Lipa CPS, iniimbestigahan na umano nila ang nasa likod ng pamamaril at kung ano ang motibo nito.