Sa kabila ng pagiging 2nd happiest country ng Pilipinas sa Southeast Asian region, hirap pa ring ngumiti ang ilan sa ating mga Pilipino dahil sa sira ang ngipin.
Ayon sa 2018 National Health Survey, aabot sa 73-M ang pilipinong may tooth decay.
Ayon naman sa anunsyo ng Philippine Dental Association nito lamang Pebrero, 72% ng mga pinoy ang may bulok na ngipin.
Dahil dito, pinaplano ngayon ng ilang senador na palawigin ang coverage ng basic dental health services sa ilalim ng Philhealth kung saan planong amyendahan ang Universal health care law.
Lumabas kase na limitado lamang ang oral benefits ng Philhealth benefits at hindi nito saklaw ang operasyon sa mga pribadong dental clinics at maging ang mga basic oral health care services.
Ayon kay Senator JV Ejercito, na sponsor ng pag amyenda Universal health care law, pinag aaralan na nila ang pagsama sa mga basic dental services.