7 nagpakilalang opisyal ng Palasyo para makapangikil sa mga gustong makakuha ng posisyon sa gobyerno, inaresto ng NBI

Pitong indibidwal na nagpapakilalang opisyal ng Malacañang at may koneksyon umano kay Unang Ginang Liza Araneta Marcos para makapanloko ang naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City.

Modus ng grupo na magrecruit ng mga gustong makakuha ng posisyon sa gobyerno pati na ang nais ma-promote.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Nanghihingi ang grupo ng kalahati hanggang isang milyong piso para maproseso ang mga papeles ng kanilang bibiktimahin.

Ayon kay NBI Ilocos Regional Office director Ferdinand Lavin, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa recruitment offer na ginagawa ng isa sa mga suspek na nagpapakilala bilang “Atty. JV Cruz” at kiniclaim na siya raw ay kasalukuyang Assistant Secretary ng Presidential Management Staff Office, na itinalaga para sa Special Concerns.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Nang mapatunayan ng NBI na wala silang koneksyon sa Malacañang ay agad silang dinakip.

Nahaharap ang mga suspek sa patong patong na reklamo kabilang ang paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code, Executive Order No.141 series of 1999, Commonwealth Act No.142, at Articles 177,178,179 ng Revised Penal Code.