68 business establishments sa Bicol, pinadalhan ng notice of violation na ukol sa products standard law

LEGAZPI CITY – Pinadalhan ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol ng Notice of Violation ang 68 kompanya o business establishments sa iba’t ibang sa rehiyon na may kinalaman sa products standard law at iba pang probisyon ng Consumer Act of the Philippines.

Nagsagawa ng inspeksyon ang ahensya sa mga establishments, kung saan kanilang nakitang nagbebenta ang mga ito nang walang Product Standard (PS) at Imported Commodity Clearance (ICC).

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kabilang sa mga produkto ay ang Brake Fluid, Plywood, Low-carbon Steel Wire, PVC Sanitary Pipe, PB Pipe for Potable Water at marami pang iba.

Sa datos, 15 ang nabigyan sa Albay at Sorsogon, 11 sa Camarines Sur, 10 sa Camarines Norte, 9 sa Masbate at 8 sa Catanduanes.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala, umabot sa P1.8M halaga ang nakumpiska ng DTI sa mga establishments, kung saan pinakamarami sa Camarines Sur na may 716,695, Sorsogon na may 417,602, Camarines Norte na may 336,233, Albay na may 193,080, Catanduanes na may 116, 365 at Masbate na may 28, 157.