630 Election returns mula sa iba’t- ibang clustered precinct sa Camarines Norte nakumpleto na ng PPCRV

CAMARINES NORTE- Nakumpleto na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang 630 election returns mula sa iba’t- ibang clustered precinct sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang huling batch nito ay ipapadala na lamang sa PPCRV National Command Center.

Kaugnay nito ay nagpasalamat si Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet sa PPCRV Core Team, Parish Teams at sa lahat ng volunteers.

Sa sulat na ipinalabas ng Obispo nitong Linggo, May 15, kinilala nito ang ginampanang papel ng PPCRV volunteers sa aniya’y naging mapayapa at makahulugang Halalan 2022 partikular sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ang presensiya at tulong umano ng PPCRV voulunteers ay patunay ng pakikilahok, interes at ambag para sa kapakanan ng bayan.

Pinasalamatan ni Alarcon na siya ring Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth ang maraming kabataang nakilahok.

Ayon sa Obispo sana raw ay magdala ang karanasang ito sa higit pang political maturity at sense of social responsibility.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Pinasalamatan din nito ang mga elder volunteers na naging gabay aniya ng mga kabataan.

Nagpasalamat din ang Obispo sa mga Kura Paroko, Parokyano, benefactors, donors at sa lahat ng mga tumulong at nagpahiram ng lugar, sasakyan at nagbigay ng pagkain.

Dasal umano nito na hindi magtapos sa Halalan ang pakikilahok at ambag para sa pag unlad ng sambayanan.

Patuloy daw sanang maging mamamayang nagmamalaskit sa bayan at nakikisangkot para sa kapakanan ng lahat.