60-anyos kinoronahang Miss Universe sa Buenos Aires

Hinangaan ang bagong Miss Universe Buenos Aires matapos nitong gumawa ng kasaysayan sa larangan ng pageantry.

Ipinakita lang naman kasi Alejandra Marisa Rodriguez na hindi hadlang ang edad para makamit mo ang iyong pangarap.

Maliban sa galing nito sa pagrampa sa entablo marami ring pumuri at humanga sa batang itsura ni Alejandra na hindi mo aakalaing nasa 60 year old na.

Si Alejandra ang kauna-unahang nanalo ng nasabing prestigious title, na ginanap noong Abril 24.

Plano ngayon ni Alejandra na sumabak sa Miss Universe Argentina 2024 pageant upang makalahok sa Miss Universe competition na gaganapin sa Mexico sa Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *