6 sachet ng shabu sa bote ng nail polish, tinangkang ipuslit sa SoCot prov’l jail

KORONADAL CITY – ARESTADO ang isang lalaki na nagtangkang magpasok ng illegal na droga sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center, kahapon ng hapon sa Purok Matulungin, Barangay GPS, Koronadal City.

Kinilala ng Koronadal City PNP ang nahuling suspek na si Anthony Bico Sucgang, alias “TonTon”, 24 anyos, single, isang driver at residente ng Purok Spring 1, Barangay Morales nitong lungsod.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Nakuha umano sa suspek ang isang eco bag na may siyam na bote ng nail polish kung saan ipinasok ang tig-iisang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Read More:  Three Iloilo police officers relieved after shooting doctor accused in hit-and-run

Umaabot umano ito sa 10 gramo at nagkakahalaga ng P70,000.

Sa ngayon, nananatili sa kostudiya ng Koronadal City PNP ang nasabing suspek.