6 nasawi sa COVID-19 kahapon sa Puerto Princesa-IMT

Binanggit sa Brigada News FM ni IMT Commander Dr. Dean Palanca na anim (6) ang na validated ang nasawi na positibo sa COVID-19 sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Dr. Palanca, lima (5) rito ang nasawi sa kanilang bahay at ang isa (1) naman ay sa ospital na binawian ng buhay.

“Unofficially anim (6) ang namatay sa atin kahapon na COVID related. Lima (5) sa bahay isa (1) sa ospital… tentative diyan apat (4) ang walang bakuna, isa (1) ang kulang ang bakuna at ang isa (1) fully vaccinated.” ani Dr. Palanca.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Paliwanag pa ni Dr. Palanca, sa loob ng 24 na oras ang pagkuha ng datos at ipapadala pa sa DOH para ma-validate bago ibabalik sa IMT, kaya posibleng ngayong araw ng Huwebes umano ito maitatala.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

“Ngayong araw yan maglalagay sa data namin, syempre, hanggang kagabi yan. kapag kinuha mo data niyan buong 24 hours yan…ipapadala pa yan sa DOH, gagawan kasi yan ng CIF (Case Investigation Form) after niyan pag na-validate na ng DOH bago ibabalik sa amin bago ilalagay sa data ng Puerto.” dagdag na pahayag ni Dr. Palanca.