6 hrs airspace shutdown para sa maintenance ng NAIA, ibinaba na lamang sa 2 hrs

Gagawin na lamang 2 hours imbis na 6 hours ang isasagawang Air Traffic Management Center (ATMC) corrective maintenance.

Ito ang inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay ng inaasahang airspace shutdown upang bigyang-daan ang naturang maintenance sa May 17.

Read More:  ATOM condemns  Cayetano’s repeated use of ‘Laban’ sign at INC EDSA rally

Ayon sa CAAP, ang pagbabagong ito ay resulta ng kanilang pakikipag-coordinate sa mga stakeholders, kaya tuluyan na nilang kinakansela ang una nilang notice.

Kung maaalala, una nang inihayag ng aviation authorities na ang pagkakaroon ng shutdown ay upang gawin ang maintenance activity, at maiwasan nang maulit ang insidente noong Bagong Taon kung saan nakaranas ng aberya sa NAIA.

Read More:  Suspected P10-M ecstasy shipment from Canada leads to American’s arrest

Samantala, tiniyak naman ng ahensya na gagawin nila lahat ng nararapat na hakbang upang masiguro ang kaligtasan at kahusayan ng air travel sa kanilang operasyon. //MHEL PACIA