Positibo ang mahigit kalahati ng mga Pilipino na gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 12 buwan.
Sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) sa 1,440 adult respondents mula December 12 hanggang 16, 2021, na may kabuoang 360 respondents sa bawat Balance Luzon, Metro Manila, sa Visayas, at Mindanao, lumalabas na tanging seven percent ang nagsabing ito ay magiging malala, habang 30 percent ang nagsabing mananatali.
Ito ay nagresulta sa Net Economic Optimism score (% Economic Optimists minus % Economic Pessimists) na +44, na tinukoy ng SWS bilang “excellent.”

Ayon sa SWS, na ang December 2021 Net Economic Optimism ay patuloy ang recovery mula sa mediocre -9 noong July 2020, mediocre -5 noong September 2020, at high +24 noong November 2020.
Dagdag dito, ito umano ay mataas dahil sa excellent +44 noong September 2016.