Tumanggap ng bangus ang iba’t ibang samahan sa Olongapo City mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay sina Noli Boy Cocjin ng Bankero Fishermens Association, Monica Silvestre ngNay Stella Farmers and Fisherfolks of New Cabalan Association, Soledad Garengo ng Samahan ng Kapamilya ng Mangingisda ng Purok 5 ng Kalaklan, Alma Baran ng Banicain Asosasyong Nagkakaisang Angat ang Kababaihan at Rodelia Balan ng Samahang Pangkabuhayan ng mga Kababaihan ng Kalaklan.
Umabot sa limandaang kilo ng bangus ang ipinamahagi ng BFAR katuwang ang Olongapo City Agriculture Office.
Ito ay kanilang magagamit para maging karagdagang hanapbuhay na mapagkukunan ng mapagkakakitaan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: City Agriculture