50 Solar-powered street lights itinayo sa Pto Diaz

Naipatayo at naipagkaloob ng Sorsogon Police Prov’l Office (SPPO) at ng Members Church of God International (MCGI) ang 50 solar-powered streetlights sa Brgy San Rafael, Pto Diaz, Sorsogon.

Bago ang turn-over ng nasabing streetlights, mismong ang mga tauhan ng SPPO ang naghatid, nagtayo at nagkabit ng mga ito sa pakikipagbayanihan sa MCGI.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang ‘Project Daan Tungo sa Liwanang ng Kapayapaan’ (Project DTL) ay proyekto ng SPPO sa pamumuno ni Police Director Col. Dionisio Laceda katuwang si Minister Daniel Razon na kumakatawan sa MCGI.

Ang solar-powered street lights ay dedikado sa mga Indigenous People IPs) ng nasabing barangay dahil ang Brgy San Rafael na may populasyon na 797 ay 90% mga IPs na tinatawag na ‘Pigbanwa,’ na proud descendants ng Agta-Tabangnon tribe.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Bago ang turn-over ceremony ay naglagdaan muna ng Memorandum of Agreement (MOA) ang SPPO at MCGI na ang layunin ay para labanan ang insurhensiya sa pamamagitan ng serbisyo publiko.