LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol na nasa mahigit 50% na ang nagpapatupad ng face to face classes sa mga state-run universities and colleges (SUCs) at pribadong paaralan ngayong taon.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Ma. Pamela Viñas, Education Supervisor II, sinabi niyang ninanais ng ahensya na mag F2F na ang lahat ng mga paaralan sa pagpasok ng Enero 2023.
Dagdag pa nito, hindi lahat ng paaralan sa ngayon ay nagsasagawa ng F2F classes dahil kulang ang kapasidad o classroom na gagamitin ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin din nito, na hindi pa rin aalisin sa mga paaralan ang online classes o blended learning kahit mayroon nang kautusan ang CHED.
Sinabi pa ng opisyal, wala pang hinahawakan ang CHED na guidelines para sa F2F classes sa second semester.