CAMARINES NORTE- Aabot sa 50 motorista ang nahuli at naisyuhan ng ticket sa pinaigting na Oplan Sita ng PNP Highway Patrol Group sa kahabaan ng Maharlika Highway Barangay Pamorangon, Lunes ng hapon, November 29.
Katuwang ng HPG sa naturang operasyon ang Local Traffic Enforcers ng LGU Daet.
Karamihan sa mga nahuli ay inisyuhan ng Traffic Citation Ticket (TCT) na nasa 48 kung saan 45 ang motorsiklo at tatlo naman ang 4- wheel vehicle.
Dalawang motorista naman ang naisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) na mayroong mas mabigat na multa.
Kabilang sa mga violation nang hinuling motorista ay unregistered, walang driver’s license, failure to carry the Official Receipt at Certificate of Registration (OR/CR), no plate attached, violation on Seatbelt law at hindi pagsususot ng helmet.
Tatlong motorsiklo naman ang inimpound ng HPG sa naturang operasyon .
Mababatid na araw- araw ang ginagawang Oplan Sita at Anti Carnapping camp[aign ng HPG sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan.
Habang papalapit naman ang kapaskuhan ay mas magiging visible ang HPG katuwang ng Local Police hindi lang sa mga kalasada kundi sa mga terminal.
Inaasahan kasi na mas maraming biyahero ang dadagsa ngayong taon sa mga terminal dahil ito ang unang pasko na wala na halos restriction pagkalipas ng dalawang taon mula nang masadlak ang bansa sa COVID- 19 pandemic.
