5 business deals at mga MOUs sa pagitan ng PH at Japan, lalagdaan

Inaasahang malalagdaan sa sidelines ng ASEAN-Japan commemorative summit ang limang business deals at memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Sinabi ni Trade secretary Alfredo Pascual, na ilan lamang ito sa inihayag na interes ng mga Japanese companies na gustong mamuhunan sa bansa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Pascual, naglalarawan ang magiging pirmahan ng kasunduan sa kumpyansa ng Japan sa business industry sa Pilipinas, at pagpapakita rin ng kanilang seryosong layunin at plano na mamuhunan sa bansa.

Tumanggi naman muna si Pascual na banggitin kung saang sektor interesado ang mga Japanese investor at sinabi na ang mismong pirmahan ng mga kasunduan ay magaganap sa Lunes.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Nabatid na nasa Tokyo, Japan ngayon si Pangulong Bongbong Marcos kasama DTI at DFA para dumalo sa 50th ASEAN-Japan commemorative summit.