5 Barangay sa Lake Sebu nasa orange category sa BSKE 2023

KORONADAL CITY- LIMANG mga barangay sa bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato ang nasa ilalim ng orange category ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023. Ito ang inihayag ni Police Lt.Col. Romy Castañares, hepe ng Lake Sebu, PNP sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Active police officer, former soldier arrested in Pangasinan gun sale

Ayon kay Castañares, kabilang sa nasabing Barangay ang Barangay Klubi, Lamlahak, Tasiman, Lampugon at Barangay Ned ng nasabing bayan.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Dagdag pa ni Castañares, na ang nasabing lugar ang nailagay sa orange category matapos ang presensya ng mga Communist Terrorist Group o CTG sa mga bulubunduking bahagi ng bayan.Ipinasiguro naman ng kapulisan ang seguridad ng publiko para sa darating na BSKE-2023.