National Vaccination Day IV, extended hanggang biyernes – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Pinalawagi pa ng Department of Health (DOH) sa Bicol ang ikaapat na bahagi ng National Vaccination Day hanggang Biyernes, Marso 18, upang hikayatin ang mga hindi pa nababakunahan at kwalipikado para sa boosters.

Sa isinagawang live media briefing, nagpaalala sa publiko si DOH Bicol Vaccination Program Coordinator Dr. Monrey Isaiah Mancilla, na huwag maging kampante kahit bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng booster shots bilang karagdagang proteksyon at depensa laban sa naturang sakit.

Aniya, ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa katotohanang marami nang nabakunahan, gayunpaman hindi pa nakakamit ang ninanais na antas ng coverage mula sa vaccination rate.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nagpaalala ang nasabing ahensiya na palaganapin ang tamang impormasyon tungkol sa bakuna upang maiwasan ang kalituhan at maling impormasyon na nagdudulot ng pag-aalinlangan sa mga tao.