41 Pulis Kasanggayahan, na-promote

Tumaas ang ranggo ng 41 Pulis Kasanggayahan sa buong 14 na Municipal Police Station at City Police Station sa Sorsogon.

Ayon sa Sorsogon Police Provincial Office, nasa dalawa ang promoted bilang PCapt, isang Police Executive Master Sergeant, tatlong Police Chief Master Sergeant, isang Police Senior Master Sergeant at isang Police Master Sergeant.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Labing- apat naman ang na-promote bilang Police Staff Sergeant at 19 na Police Corporal.

Pinangunahan ni Sorsogon PNP Provincial Director PCol Dionisio Laceda ang sabay-sabay na oathtaking, donning at pinning ng mga na-promote na pulis sa isang simpleng seremonya sa loob ng PNP HQ Camp Salvador H. Escudero.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang naturang promosyon ay batay sa kinakailangang Time-In-Grade, Schooling at iba pang mga requirements na nakompleto ng isang pulis.