400 residente ng Polomolok, Koronadal nakabenepisyo sa LAG ng DSWD 12

KORONADAL CITY- NASA 400 na mga benepisyaryo mula sa bayan ng Polomolok at lungsod ng Koronadal sa South Cotabato ang nakatanggap kamakailan lamang ng Livelihood Assistance Grant o LAG mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP.

Napag-alaman na nakapag-release ang DSWD 12 ng P 6 million na pondo para sa mga maliliit na negosyante kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng tig P 15,000 na capital seed fund.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Ang LAG ay isang programa na nagbibigay ng dagdag na capital sa negosyo ng mga benepsiyaryo katulad ng sari-sari store, bamboo making, ice cream making, at pagtitinda ng isda at mga gulay.