400 PNP personnel sa Albay, inilatag sa opisina ng APEC para sa transition turnover ng power distribution sa NEA

LEGAZPI CITY – Bantay-sarado ngayon ang loob ng opisina ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ng Philippine National Police (PNP) para sa gagawing transition turnover ng power distribution sa National Electrification Administration (NEA), kung saan aabot sa humigit-kumulang sa 400 PNP personnels ang inilatag sa compound ng nasabing korporasyon.

Ang mga otoridad ay may mga dala-dalang human shield at batuta bilang depensa sakali mang magkaroon ng kaguluhan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon kay PCol. Fernando Cunanan, Jr., Provincial Director ng Albay PPO, humingi ng police assistance ang APEC para sa seguridad ng mga empleyado at mga consumers na nagbabayad ng kanilang kuryente.

Tiniyak naman ng opisyal na magiging maayos at walang kaguluhan na mangyayari sa loob ng nabanggit na korporasyon sa isasagawang turnover ceremony.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon naman kay Noel Cantal, alliance media spokesperson, ang pagtungo nila sa labas ng opisina ay upang ipakita ang suporta para sa aktibidad.

Tiniyak naman nito sa mga kasamahang mga myembro na walang gagawing kaguluhan sa seremonya.