4 sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Rizal Ave.- PNP

Sugatan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo matapos magbanggaan bandang alas-onse kagabi, ika -28 ng Nobyembre sa harap ng isang Music Lounge sa Barangay Bancao- Bancao Puerto Princesa City.

Sa ulat ng PNP, kinilala ang mga biktima na sina Melvin Cola Tanio, 31 anyos, habang ang dalawang angkas nito ay sina Marcelo Bacalla 39, at isang alyas CJ Camacho.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang nakabanggaan nila ay kinilalang si Andrew Fuentes, nasa hustong gulang na drayber ng Suzuki Smash.

Sa imbestigasyon ng PNP, binabaybay nina Melvin ang Rizal Avenue mula sa Junction 1 patungo sa Brgy. Bancao- bancao habang kasalubong nila si Andrew.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa naka-saksi sa aksidente, kasunod lamang siya ni Andrew nang mapansin umano nyang pagiwang- giwang ito bago pumasok sa linya ng kasalubong at nagbanggaan.