Ipinasakamay ng Police Regional Office 2 ang bagong mga baril at computer sets kasabay ng pagbibigay ng medalya matapos kilalanin ang matagumpay na operasyon ng mga personnel sa Baggao, Abulug, Camalaniugan at Buguey Police Stations sa Cagayan.
Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa PRO 2, natanggap ng Baggao PNP ang 7 Galil rifles, isang unit ng computer set sa Abulug PS, 5 Galil rifles habang 1 computer set sa Camalaniugan PS at 8 Galil rifles sa Buguey PS.
Ang naturang mga computer sets ay nakalaan sa E-sumbong at E-serbisyo sa ilalim ng PNP Lingkod Bayanihan program.
Pinangunahan ni Regional Director PBGen Crizaldo Nieves ang pamamahagi nito kung saan pinasalamatan niya ang patuloy na suporta sa PNP ng local government unit at iba pang stakeholders upang ipagpatuloy ang aktibidad ng BARANGAYanihan.
Binigyang diin din ng opisyal ang Intensified Cleanliness Policy (ICP) na isinusulong ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na tututok sa kalinisan ng police stations, ranggo at komunidad.