4 na miyembro ng PDP-Laban bloc tinanggap nang hindi makakarating sa plenaryo ng Senado ang panukalang Cha-cha

Tinanggap na ng apat na miyembro ng PDP-Laban bloc sa Senado na hindi na  makakarating sa plenaryo ang panukalang naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constituent assembly.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kukulangin aniya sila ng suporta lalo pa’t tanging ang mga kasamahan niyang sina Sens. Francis Tolentino, Bong Go at  Robin Padilla ang sumusuporta sa panukala.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Gayunpaman, sinabi ni  Dela Rosa, na hindi niya tatawaging pag-aaksaya ng oras ang mga pagdinig sa antas ng komite.

Nagpahayag din ng paghanga ang senador kay Padilla sa pagsusulong ng kanyang adbokasiya.//CA