4 na kababaihan, na-bet all sa Lopez, Quezon

Nahuli ng mga otoridad ang 4 na babae matapos maaktuhang nagsusugal sa ikinasang anti-gambling operation sa Brgy. Bocboc, Lopez, Quezon nitong Huwebes, Mayo 20.

Batay sa report ng Lopez PNP, huli sa akto na naglalaro ang mga suspek ng “bet game” sa nabanggit na lugar.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Narekober sa mga suspek ang isang (1) baraha at bet money na nagkakahalaga ng Php 110.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Agad namang pinakawalan ng Lopez Police Station ang mga suspek matapos magmulta. | via Brian Zagala, BNFM Lucena