4 katao kinasuhan na kaugnay ng pagpatay sa Hong Kong socialite na si Abby Choi

Apat katao ang nahaharap ngayon sa kaso kaugnay ng pagpatay sa 28-anyos na modelong si Abby Choi sa Hong Kong.

Iniharap na sa korte ang mga suspek matapos matuklasan ng pulisya ang mga bahagi ng katawan ni Choi sa tatlong palapag na bahay sa rural Tai Po district noong nakaraang linggo. Nakakita rin sila ng meat slicer at electric saw sa pinangyarihan.

Read More:  Ogie Diaz talks about rumored pregnancy of Kim Chiu

Sinabi ng Hong Kong Police, kinasuhan nila ng murder ang tatlong lalaki na nasa edad 28-65 at isang 63 taong gulang na babae ng 1 count ng obstructing of case.

Read More:  Several showbiz personalities defend Alden Richards amid allegations by Xian Gaza

Ang itinuturong salarin sa pagkamatay ng biktima ay ang kanyang dating asawa na si Alex Kwong, kapatid ni Kwong at kanilang ama.//CA