3rd dose ng Sinovac, ‘good as booster’ rin

Iminungkahi ng isang infectious disease expert na pwedeng ikonsidera ng mga naka-kompleto na ng kanilang Sinovac shots, ang pagkuha ng third dose ng naturang COVID-19 vaccine brand.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, na miyembro ng Vaccine Expert Panel, ang homologous third dose ng Sinovac ay maganda rin tulad ng booster shot.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag ni Solante, may bahagyang pagkakaiba lang pagdating sa pagneutralize sa antibody level, pero hindi naman significantly different.

Nanindigan naman ito na ang mga Pilipino na nakakompleto na ng kanilang shots, anim na buwan ang nakaraan ay pumili sa pagitan ng homologous booster dose, na ibig sabihin, kaparehong brand nang itinurok na COVID-19 vaccine, at heterologous shot o ibang booster brand.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Para sa mga tumanggap ng Sinovac, ay maaring kumuha ng isang pang dose nito na magsisilbi bilang booster, o di naman kaya ay maaring pumili sa pagitan ng AstraZeneca, Pfizer at Moderna vaccines. //MHEL PACIA-TRINIDAD