3M pamilyang Pilipino nakaranas ng gutom noong 4th quarter ng 2022 – SWS

Tinatayang 3 milyong pamilyang Pilipino o humigit kumulang 11.8 percent ng kabahayan sa bansa ang nakaranas ng gutom noong 4th quarter ng 2022 ayon sa resulta ng Social Weather Stations o SWS survey na inilabas kahapon.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Tinukoy ng SWS ang involuntary hunger,  na walang makain nang kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

Ang December 2022 hunger figure ay bahagyang mas mataas sa 11.3 percent noong October 2022 at 11.6 percent noong June 2022.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Naitala sa Mindanao ang pinakamataas na hunger sa 12.7 percent sinundan ng Visayas sa 12 percent, Metro Manila sa 11.7 percent at Balance Luzon sa 11.3 percent.//CA