Umaasa ang less than half ng mga Pilipino, na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Batay sa resulta ng Social Weather Stations survey, lumalabas na 37% ng mga adult Filipinos ay umaasang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na taon, seven percent naman ang nagsabing lalala, habang 42% ang nagsabing hindi magbabago.
Samantala, ang natitira namang 14% ay hindi nagbigay ng kanilang sagot.
Ito ay katumbas sa net optimism score na +30, na mataas na anim na puntos mula sa +24 na naitala noong May 2021, pero limang puntos naman na mababa mula sa +35 na naitala noong November 2020.
Ayon sa SWS, ang naturang improvement ay dahil sa pagtaas ng optimism scores sa Balance Luzon (+12 points) at Metro Manila (+five points). // MHEL PACIA-TRINIDAD
