32 anyos na babae huli sa ikinasang buybust operation sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE – Isang 32-anyos na babaeng tulak ng iligal na droga ang nasakote ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa isang hotel sa Purok-1, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte.

Ang nabanggit na suspek ay kinilalang si alias “NING”, 32 anyos, isang minero, at residente ng Purok-1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte na Newly Identified on Illegal Drugs ng CNPPO

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nakuha sa nasabing operasyon ang mga iligal na droga na tinatayang umaabot sa timbang na 5 gramo na may katumbas na halagang humigit kumulang Php34,000.00.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang nabanggit na personahe ay nasa kustodiya ng Daet MPS habang inihahanda ang kasong Paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 laban sa kanya.