30 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE- Naitala ang 30 panibagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte nitong weekend.

Nitong sabado, 19 ang mga bagong kaso na  naitala kung saan 8 bagong kaso ang naitala mula sa bayan ng Daet, tig -3 kaso ang bayan ng Jose Panganiban at Talisay, 2 ang nagmula sa bayan ng Vinzons habang may tig-i-isang kaso ang bayan ng Labo, Paracale at Sta. Elena

Kahapon sa case bulletin report ng DOH naitala ang 11 bagong kaso kung saan nakapagtala ng 4 na bagong kaso ang bayan ng Labo, 3 ang nagmula sa bayan ng Sta. Elena, 2 sa Vinzons at tigi-1 kaso ang bayan ng Basud at Capalonga

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa ngayon ang lalawigan ng Camarines Norte ay pumalo na sa 1,615 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid-19, mula sa bilang na ito ay 348 ang aktibong kaso, 1,208 ang kabuuang recoveries at 79 ang nasawi dahil sa sakit

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Tiniyak naman ng bawat lokal na Pamahalaan ang agarang pagsasagawa ng contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente habang patuloy na pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga ipinapatupad na Health safety protocols