3 nagtutupada, huli sa Batangas

LEMERY – Arestado ang tatlong kalalakihan matapos na maaktuhan ng mga awtoridad na naglalaro ng iligal na sabong o Tupada sa Barangay Cahilan 2, Lemery, Batangas.

Read More:  Newborn baby girl found at Bohol college parking area

Kinilala ang mga naaresto na sina Barcciliso Villavicencio y Caag, 63 anyos; Teodoro Malapitan, 22 anyos at Aurelio Calapati, 67 anyos.

Ayon sa Lemery Municipal Police Station, ang mga suspek ay aktong nahuli ng police operatives na naglalaro ng sabong.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Narekober mula sa kanila ang dalawang manok na panabong, dalawang tari at 570 pesos na taya.

Kasalukuyang nakadetina ang mga naaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Cockfighting Law of 1974.