3 katao, arestado sa drug buy-bust operation sa bayan ng Daraga, Albay

Himas-rehas ngayon ang tatlong katao matapos mahuli sa drug buy-bust operation sa P-2, Brgy. Peñafrancia, Daraga, Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina, Pangolima Ugkat Mohammad Ali, 46 anyos, Tumbaga King Pangolima Fahadz, 32 anyos, Tumbaga Pangolima Sahabudin, 40 anyos na pawang mga residente ng P-4, Brgy. Sapu Padidu, Malapatan, Saranggani Province.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ayon sa report, nagkasa ang mga otoridad ang isang operasyon laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng buy-bust katuwang ang ilang yunit ng PNP at PDEA sa nabanggit na lugar.

Kumagat sa pain ang mga suspek matapos nitong pagbentahan ang isang poseur buyer ng suspected shabu na nahing dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Nakumpiska sa kanila ang dalawang piraso na heat-sealed transparent plastic sachets na may timbang na humigit-kumulang na 20 gramo na nagkakahalaga na P140,000, isang sasakyang pick-up at iba pang non-drug items.

Sa ngayon, ang mga suspek ay nasa kostudiya na ng daraga mps para sa kaukulang disposisyon.