3 KALALAKIHAN NA SANGKOT SA ILLEGAL LOGGING, ARESTADO

Arestado ang tatlong kalalakihan na naaktuhang nag-aayos ng mga hindi dokumentadong nilagaring kahoy sa Barangay Malanao, Lal-lo, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang mga naaresto na sina alyas Mino, 53-anyos, Rene, 44-anyos at Ferdie, 46-anyos na pawang mula sa bayan ng Lal-lo.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Sa isinagawang operasyon ng Lal-lo Police Station, naaktuhang nag-aayos at nagtatambak ng nilagaring white Lauan ang nasabing mga indibidwal.

Bigong magprisinta ang mga ito ng permit at kaukulang dokumento na tinanong ng kapulisan dahilan upang maaresto ang mga ito.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Tinatayang nasa 656 na boardfeet ng nilagaring kahoy ang nakumpiska kung saan nasa P20,256 ang halaga nito.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya na ng PNP Lal-lo at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Reform Code of the Philippines.