3 kabilang ang menor-de-edad sugatan sa pananambang sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang naganap na pananambang kung saan tatlo katao ang sugatan kabilang ang isang menor-de-edad sa Brgy N. Roque, Bulan, Sorsogon.

Kinilala ang mga biktima na sina Roberto Ocsun Soliman, 62-anyos, binata, Ma Cristina Peper Montalvo, 40-anyos, dalaga at ang 4-anyos na si Rhedzo Punongbayan Montalvo, lahat residente ng Immaculate Concepcion Subd., Sitio Pawa, Brgy Lajong ng nasabing bayan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa impormasyon na natanggap ng Brigada News, naganap ang insidente dakong alas 9:30 ng umaga nitong Linggo.

Nabatid na ang mga biktima ay lulan ng motorsiklo at pauwi na sana galing sa isang birthday party sa Brgy Laboy sa bayan ng Matnog nang pagbabarilin ng dalawang suspek pagsapit sa nasabing lugar.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kahit mga sugatan, nagawang tumakas ng mga biktima at nakahingi ng tulong sa mga residente ng nasabing lugar kung kaya’t hindi na nasundan ang mga ito ng riding-in-tandem.

Nagpapagaling na sa ngayon sa ospital ang mga biktima.

Sa kasalukuyan, hindi pa matukoy ng PNP ang motibo ng pananambang at kung sino ang mga salarin.