Patay ang isang binatilyo at dalawang bata matapos tamaan ng kidlat sa isang palayan sa Barangay Inaon sa Pulilan, Bulacan.
Base sa imbestigasyon, ang mga biktima kasama ang iba pa nilang pinsan ay naglalaro sa ilalim ng puno ng mangga sa gitna ng palayan nang magpasyang umuwi nang mapansin ang pagdilim ng langit at paparating na ulan.
Ayon sa kasama ng mga biktima, habang pauwi ay nakarinig sila ng kulog at nakaramdam ng kuryente at dito na nila natagpuan ang tatlo na nakahandusay sa lupa.
Isinugod pa ang tatlo sa ospital, pero idineklara ang mga ito na dead on arrival.