3 kabataan, inaresto dahil sa pagpatay at pagkain ng swan na inakala nilang pato

Tatlong teenager ang inaresto sa New York matapos umanong pumatay at kumain ng swan at nakawin ang apat na anak nito na inakala nilang pato.

Ang mga suspek na may edad 18, 17 at 16 ay nahaharap ngayon sa mga kasong mischief, theft, at trespassing.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon sa pulisya, ang mother swan ay iniulat na nawawala sa Manlius Swan Pond noong Lunes.

Ninakaw daw ito ng mga suspek kasama ang kanyang apat na anak at umano’y gustong alagaan ng mga ito bilang pets.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Narekober ang mga baby swans sa isang kalapit na tindahan kung saan nagtatrabaho ang isa sa mga suspek ngunit hindi na nakita ang nanay ng mga ito.//CA