3 huli sa checkpoint operation sa Surallah, So Cot

KORONADAL CITY — ARESTADO ang tatlong lalaki sa checkpoint operation na ikinasa ng Surallah Municipal Police Station, pasado alas 10:00 kagabi matapos na makatanggap ng umano sila ng impormasyon na may bitbit ang mga ito ng illegal na droga mula sa bayan ng T’boli.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Melmar Pacinabao, alias “Em-em”, 40 anyos, may asawa, isang laborer, Ernesto Espina Jr., 35 anyos, may asawa, driver, kapwa mga residente ng Barangay Naci, Surallah, South Cotabato at Kimark Quillen, 23 anyos, binata, at residente naman ng Sitio Upper Riverside, Barangay San Jose, Banga.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts
Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Narekober sa operasyon ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, mga drug parapelnalya at isang unit ng tricycle.

Sa ngayon ang tatlo ay nananatili sa detention facility ng Surallah

PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.