3 atletang Pilipino kabilang sa mga maglalaro sa Baku tourney 2024

Sumabak sa unang pagkakataon sa Paris Olympics-bound sina Carlos Edriel “Caloy” Yulo, Emma Lauren Malabuyo, at Levi Jung-Ruivivar sa ikatlong leg ng 2024 FIG Artistic Gymnastics World Cup Series.

Nais ni Yulo na mapanatili ang dalawang gintong medalya na napanalunan nito nakaraang taon sa Baku leg ng FIG Artistic Gymnastics World Cup Series.

Mahigit limang buwan na nakapagpahinga si Yulo mula noong huli siyang naglaro sa World Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Belyium noong Oktubre 2023.

Mababatid na bigong masungkit ni Yulo ang gintong medalya sa nasabing  kompetisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *