2nd batch ng mga inatakeng Pilipino sa Red Sea, nakauwi na

Sampu pang Filipino seafarers ang dumating sa bansa, na sakay ng inatakeng MV Transworld Navigator ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea noong nakaraang linggo.

Lumapag ang pangalawang batch ng mga na-repatriate na Pilipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa pamamagitan ng Cathay Pacific flight CX 903.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Assistant Secretary Jerome Pampolina, namahagi ang gobyerno ng financial adi at iba pang tulong, kabilang ang counselling para sa trauma na kanilang naranasan.

Read More:  Abante says Duterte impeachment trial should end before December

Sinundan nito ang pagdating ng unang batch noong Linggo, na malugod na sinalubong ng mga opisyal ng gobyerno kabilang sina DMW Secretary Hans Leo Cacdac.