29-anyos na lalaki, patay sa pananaksak sa Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos umano itong pagsasaksakin ng nakaalitan sa Purok Puting Buhangin, Barangay Cotta, Lucena City nitong Sabado, Marso 4.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Mancenido, collector, at residente ng naturang lugar.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ayon sa report, bandang alas 11:00 ng umaga habang nasa harap ng kanilang tahanan si Mancenido, dumating umano ang suspek saka kinompronta ito.

Doon na umano nag-ugat ang mainit na alitan sa pagitan ng dalawa kung saan kumuha ng kutsilyo ang suspek saka pinagsasaksak ang biktima.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Samantala, agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente habang ang biktima ay isinugod pa sa hospital para malapatan ng lunas ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Kasalukuyan ng pinaghahanap ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong Homicide.