27 purok, entry sa Search for Best Purok sa Koronadal!

KORONADAL CITY – NAKUMPLETO na ang listahan ng 27 mga purok sa buong Koronadal na makikilahok para sa Best Purok Urban and Rural Category sa ilalim ng Search for Best Performing Barangay 2021.

Napag-alamang sa isinagawang final evaluation sa mga barangay ay pinili ang tatlong purok bawat barangay at ang 1st placer ay magrirepresenta sa citywide competition.

Kabilang sa mga purok na nanalo sa urban category ang mga purok ng Mainuswagon, sa Brgy. Carpenter Hill, Masagana A sa Morales, Twin River West sa Brgy. Sto. Niño, Katipunan sa GPS, Ligaya sa Zone II, Bliss sa Paraiso, Rizal sa Concepcion, Masipag sa Sta. Cruz, Clemente I sa Zone IV, Dungan Lahek sa Saravia, Lower Libertad sa Topland, Maligaya sa San Isidro, Kaunlaran sa Zone I, at Cadidang sa San Jose.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa rural category naman ang mga purok ng Blaan sa Magsaysay, Sitio Datal Fitak sa Assumption, Rosal sa Namnama, Santan sa Avanceña, Waling-Waling sa Mambucal, Maligaya sa Caloocan, Everlasting sa New Pangasinan, Rizal sa Mabini, Paraiso sa Esperanza, Marcos sa Rotonda, San Antonio sa San Roque, kag Purok Upper sa Cacub.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang mananalong mga purok sa dalawang kategorya ay tatanggap ng 75 libong pisong cash at ang mga runners-up ang tatanggap din ng cash prizes.