26Kg ng Propellant mula sa di matukoy na explosive object natagpuan sa Mariveles, Bataan

Nadiskubre ang nasa dalawamput anim na kilo ng propellant mula sa unidentified explosive object kahapon sa Bgy. Alas-Asin sa Mariveles, Bataan.

Sa ulat ng Bataan Provincial Explosive and Canine Unit, isang residente ang nagreport matapos makita ang mga black flakes na tila amoy gun powder.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nagsagawa naman ng safety procedure ang mag otoridad at dinala ang mga ito sa pangangalaga ng PECU para sa proper disposal.

Ayon kay Pcapt. Esteban Baylon III, hepe ng Bataan PECU, epektibo ang kanilang ginagawang information education campaign tungkol sa mga paraan na dapat gawin kapag may nakikitang vintage bomb o anumang uri ng pampasabog ay ireport kaagad ito sa kanilang opisina o kaya sa pinakamalapit na police station.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Photo Courtesy: Pcapt. Esteban Baylon III

No photo description available.