NAGA CITY – Nasa 24 mga accredited at recognized na Barangay Health Workers sa Naga City, ang tinanggal ng ilang newly elected Barangay Kapitan sa lungsod lalo na ng mga baguhan.
Ito ang napag-alaman kay Magno Reyes, Registered Nurse ng City Health Office at Head ng BHW sa lungsod.
Kung saan ni-retain ng City Government at pansamantalang nagtatrabaho hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre 2023. Batay sa Joint Circular Memorandum 2023-001 ng Department of Health at Department of Interior and Local Government, hanggat maaari sana huwag mangtanggal ng mga BHW sa barangay, kaya lamang ang naturang Barangay Chief Executive ng Barangay o bilang Punong Barangay may karapatan silang mag-appoint ng panibagong tauhan kasama na ang mga BHW.
Ayon pa sa opisyal malaking kabawasan sana ito lalo na’t malaki ang naitulong ng mga BHW sa barangay higit pa kung accredited at recognized, na dumaan talaga sa training, kaya ang paki-usap ng Pamahalaan, i-retain ang mga ito at huwag mangtanggal.
Samantala, halos nasa 80,000 mga Barangay Health Workers sa bansa ang tinanggal na pina-iimbistigahan ngayon ng BHW Party List.