22 patay, 50 sugatan sa rocket strike ng Russia sa Ukrainian train station

Patay ang 22 na tao habang umabot sa 50 ang sugatan kasunod ng rocket strike ng Russia sa Ukrainian train station sa Chaplyne.

Ito pa rin ay sa gitna ng deklarasyon ng Gobyerno ng giyera laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children matapos mapaulat na nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa exploitation ng mga kabataan.

Ayon sa report, lima sa mga biktima ng pag-atake ang kasamang nasunog ng kanilang sasakyan kung saan kasama ang 11-anyos na bata.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Ukraine President Volodymyr Zelensky sa gitna ng UN Security Council meeting.

Nagpahayag ng pangamba si Zelensky na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa nasabing insidente.

Una nang nagbabala si Zelensky na posibleng may gawing marahas ang Russia para mapigilan ang selebrasyon ng kanilang taunang independence day.

Nananatili namang tikom ang Russia sa insidente gayung madalas nitong itanggi ang mga pag-atake na nadadamay ang mga sibilyan. (LEO NAVARRO-MALICDEM | REUTERS PHOTO)