211 new cases, 5 deaths, 53 recoveries sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Umabot sa 211 na bagong kaso ng COVID-19 ang naiulat ng Department of Health (DOH) Bicol ngayong araw kung kaya pumalo na sa 16,786 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa rehiyon.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 95 kung saan 40 ay mula sa Naga City, siyam sa bayan ng Calabanga, pito sa bayan ng Caramoan at Libmanan, anim sa bayan ng Canaman, apat sa bayan ng Magarao, tigtatlo ang bayan ng Camaligan at Ocampo, tigdadalawa ang mga bayan ng Bombon, Nabua at Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Bula, Cabuaso, Lupi, Minalabac, Pamplona, San Jose, Tigaon, Tinambac at lungsod ng Iriga.

31 bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 17 nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Irosin, tigdadalawa ang mga bayan ng Gubat, Juban, Magallanes at Sta. Magdalena at tig-iisa naman ang mga bayan ng Barcelona, Bulan at Matnog.

Ang lalawigan ng Camarines Norte ay nagtala ng 30 bagong kaso kung saan 14  nito ay mula sa bayan ng Daet, siyam sa bayan ng Vinzons, tatlo sa bayan ng Labo at tigdalawa ang bayan ng Jose Panganiban at Paracale.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

27 bagong kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan sampo nito ay mula sa Masbate city, lima sa bayan ng Calveria, apat sa bayan ng Aroroy, tatlo sa bayan ng San Fernando, tigdalawa ang bayan ng Mandaon at Mobo at isa sa bayan ng Monreal.

Ang Albay ay nagtala ng 15 bagong kaso kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Daraga, tatlo sa lungsod ng Legazpi, tigdalawa ang bayan ng Guinobatan at lungsod ng Tabaco at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Malilipot, Manito at Polangui.

13 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung sana lima nito ay mula sa bayan ng Bagamanoc, apat sa bayan ng Virac, tatlo sa bayan ng Caramoran at isa sa bayan ng San Miguel.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Limang bagong pagkasawi naman ang naitala kung saan dalawa nito ay mula sa Camarines Sur, dalawa rin sa Masbate at isa sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 520 ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Samantala, mayroon namang 53 na mga bagong gumaling kung saan 29 nito ay mula sa Camarines Sur, 21 sa Sorsogon at tatlo sa Catanduanes kung kaya sa kabuuan ay pumapalo na sa 10,282 ang mga nakarekober sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###